Mga laro ngayon

(Araneta Coliseum)

4:15 n.h. -- Mahindra vs SMB

7 n.g. - NLEX vs Ginebra

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Pag-aagawan ng Mahindra at defending champion San Miguel Beer ang solong pamumuno sa kanilang pagtatagpo ngayong hapon sa unang laro ng nakatakdang double header ng 2016 PBA Governors Cup elimination, sa Smart Araneta Coliseum.

Magtutuos ang dalawang koponan na kasalukuyang magkasalo sa liderato sa pambungad na laban ganap na 4:15 ng hapon.

Mag-uunahan ang dalawang koponan na makapagtala ng ikatlong sunod na tagumpay sa torneo.

Magkakasubukan ang import na sina James White ng Enforcers at Arizona Reid ng Beermen.

Produkto ng Georgia Tech sa US NCAA, ang 23-anyos na si White ang pinakabata sa batch ng reinforcement sa kasalukuyan. Huling tinalo ng Beermen ang NLEX Road Warriors na kanilang inungusan, 94-93, habang ang Globalport ang huling biktima ng Enforcers sa iskor na 108-98.

Sa tampok na laro, sisikapin ng Road Warriors sa pamumuno ni import Henry Walker na makabawi sa nakapaghihinayang na talo nila sa Beermen sa pakikipagtuos sa Ginebra ganap na 7:00 ng gabi.

Magsisikap namang bumangon ang Kings sa natamong 100-109 overtime na kabiguan sa kamay ng Alaska.

Inaasahang mangunguna para sa Ginebra ang pansamantalang import na si Justin Brownlee na matatandaang hindi halos nakalaro sa overtime period sa una niyang outing para sa Kings sanhi ng pagkapagod. (Marivic Awitan)