Sa layuning maisakatuparan na ang pagbabawas sa nakasanayang “endo” ngayong taon, ilalabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang memorandum ukol dito.

“I plan to reduce contractualization by 50 percent by the end of 2016. Workers under ‘endo’ or ‘555’ receive less than the mandated minimum wage without social protection benefits such as Social Security System (SSS), Pag-ibig, and PhilHealth,” pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III.

Naisapinal na aniya ang naturang memorandum na nagbibigay direktiba sa regional offices ng DOLE upang masimulan na ang paglilinis sa mga kumpanya na nakasanayan na ang “endo” employment. (Mina Navarro)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'