ENRIQUE AT LIZA copy

PATULOY pa ring nangunguna sa ratings game ang Dolce Amore na mas sinuportahan ng mga manonood kaysa sa bagong katapat na palabas nitong nakaraang Lunes.

Ayon sa datos ng Kantar Media, nakapagtala ang serye nina Enrique Gil at Liza Soberano ng national TV rating na 35% kumpara sa Descendants of the Sun na nakakuha lamang ng 15.5% sa pilot telecast nito.

Sa episode noong Lunes, napanood ang pagpilit kay Teten ng kanyang mga magulang upang humingi ng tawad kay Serena dahil sa masamang pagtrato niya sa dalaga. Ibinigay na rin sa wakas ni Tenten ang matagal nang hiling ni Serena na makapag-set ng appointment sa kanya para sa isang business proposal.

Human-Interest

Higanting coral, naispatan; mas malaki pa raw sa blue whale?

Ikinatuwa ng netizens ang mga tagpong ito dahil bumuhos ang mga positibong komento sa social media. Mahigit isang milyong tweets ang naitala, kaya naging top trending topic sa bansa ang official hashtag ng episode na #DolceAmorePatigasan.

Ang Dolce Amore ay tungkol sa dalawang taong pinagtagpo ng tadhana na parehong hinahanap ang mga kasagutan na bubuo sa kanilang pagkatao. Patuloy itong kinagigiliwan ng mga manonood dahil sa de-kalibreng produksiyon na nag-location shoot pa sa Italy, mahuhusay na cast members sa pangunguna ng isa sa mga pinakasikat na love teams ng bansa, at sa kuwentong kapupulutan ng magagandang aral at sumasalamin sa kultura ng mga Pilipino.

Bilang pasasalamat sa walang sawang pagsuporta ng mga manonood, magaganap sa Agosto 20 ang “#ChooseLove The Concert” sa Kia Theater at maghahandog ang cast ng isang gabing kilig at mga awiting pinili ng taong-bayan mismo.

Napapanood ang number one kilig-serye mula Lunes hanggang Biyernes, sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).