Hindi magaganap ang pinakaaabangang duwelo sa pagitan nina Donnie “Ahas” Nietes at Juan Francisco Estrada.

Ipinahayag ng Ala promotion, may hawak sa career ni Nietes, na iniatras sa 2017 ang laban ng Pinoy champion matapos utusan ng WBO ang Mexican fighter na sumabak muna sa mandatory title defense kontra kay Japanese Kazuto Ioka.

Si Estrada ang may hawak ng World Boxing Organization (WBO) flyweight at World Boxing Association (WBA) super-flyweight title.

Bunsod nito, mapipilitan din si Nietes na labanan sa kanyang mandatory defense ng WBO light-flyweight title si Moises Fuentes sa Setyembre 24, sa StubHub Center sa Carson, California.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Tangan ni Nietes (38-1-4, 22 KOs) ang momentum matapos gapiin si Mexican Raul Garcia sa Bacolod City nitong Mayo para manatiling pinakamatagal na kampeon sa kasaysayan ng boxing sa mundo.