Michael_Jordan_in_2014 copy

Tinapos ni NBA legend Michael Jordan ang pananahimik hinggil sa isyu ng police violence at naglaan ng $1 million para magamit na pondo para paigtingin ang programa ng NAACP Legend Defense na tumutulong sa pagresolba ng kaguluhan sa pagitan ng kapulisan at mamamayan sa komunidad.

“I can no longer stay silent,” pahayag ni Jordan sa isang sulat na binigay sa media. Kilala ang retiradong sports star at businessman sa pagiging tahimik patungkol sa mga makalipunang isyu, ngunit nagbigay siya ng donasyon sa mga grupong sangkot sa pagbabago.

“As a proud American, a father who lost his own dad in a senseless act of violence, and a black man, I have been deeply troubled by the deaths of African-Americans at the hands of law enforcement and angered by the cowardly and hateful targeting and killing of police officers,” pahayag ng tinaguriang ‘His Airness’.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Sa nakalipas na dalawang taon, may mga naglipanang protesta sa buong U.S. patungkol sa pagpatay ng mga pulis sa mga black men at sa pagtaas ng debate ukol sa relasyon ng kapulisan sa minorya. Nagdulot ng alalahanin ang tirada kontra pulisya nang tumaas ang bilang ng mga namatay na police officers na may kinalaman sa isyu ng racial discrimination.

Ayon ka Jordan, nais niyang magkaroon ng pantay na pagtingin sa mga tao na may iba’t-ibang kulay pati na rin pagbibigay respeto at suporta sa kapulisan.

May $1 million din ang ipagkakaloob ni Jordan sa Institute for Community-Police Relations, organisasyong binuksan noong Mayo ng Internation Association of Chiefs of Police na magtatrabaho para paunlarin ang mabuting gawain ng kapulisan sa komunidad.

Ibibigay naman ang isa pang $1 million bilang reporma sa law enforcement ng National Association for the Advancement of Colored People’s Legal Defense Fund, katuwang ng civil rights group.

Si Jordan ay nakalista sa Forbes bilang isa sa pinakamayamang atleta sa mundo na may yaman na $1.14 billion.

Nananatili siyang endorser ng Nike at may-ari ng Charlotte Hornets sa NBA.

Isinalin ni Lorenzo Jose Nicolas