49th ASEAN Foreign Ministers meeting

VIENTIANE (Kyodo News/Reuters) – Mabibigat na salita ang ginamit ng mga foreign minister ng Japan, United States at Australia para himukin ang China na sundin ang desisyon ng U.N.-backed Permanent Court of Arbitration na nagbabasura sa malawakang pang-aangkin ng Beijing sa South China Sea.

Sa ikinubling batikos sa military buildup ng China sa pinagtatalunang mga tubig sa South China Sea, nagpahayag sina Japanese Foreign Minister Fumio Kishida, U.S. Secretary of State John Kerry at Australian Foreign Minister Julie Bishop ng “strong opposition to any coercive unilateral actions that could alter the status quo and increase tensions” sa joint statement na inilabas matapos ang kanilang pagpupulong noong Lunes.

Hinimok ng mga minister ang lahat ng bansa na “refrain from such actions as large-scale land reclamation, and the construction of outposts as well as the use of those outposts for military purposes.”

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ang desisyon ng Hague-based tribunal noong Hulyo 12 na pumapabor sa Pilipinas ay “final and legally binding” sa magkabilang panig, saad sa pahayag.

Sina Kishida, Kerry at Bishop ay nasa Laos para dumalo sa regional meetings ng 10-miyembrong Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Kasabay ng panawagang ito ay hiniling naman ni Chinese Foreign Minister Wang Yi kay Kerry na suportahan ang muling pag-uusap ng China at Pilipinas kaugnay sa nasabing isyu.

Binanggit ni Wang na sa pulong sa Vientiane nitong Lunes, nagkasundo ang China at ASEAN na dapat magbalik sa tamang landas ang pagreresolba sa mga iringan sa pamamagitan ng direktang pag-uusap ng mga partido.

Sa pahayag na inilabas ng foreign ministry nitong Martes, sinabi ni Wang na umaasa ang Beijing na susuportahan ng United States ang “resumption of talks between China and the Philippines”.

Hinimok din ni Wang ang Tokyo na huwag makialam sa South China Sea, dahil ang Japan ay hindi claimant sa iringan.