Beyonce at Adele copy

INIHAYAG na ang mga nominado sa 2016 MTV Video Music Awards, at kasunod ang kanyang apat na Emmy nominations para sa Lemonade, nakakuha si Beyoncé ng 11 VMAs nominations – isang career best – para sa mga video mula sa kanyang groundbreaking visual album. Nominated para sa Video of the Year at Best Pop Video ang politically charged ni Beyoncé na Formation, habang ang Sorry, Hold Up, at Freedom ay kinilala rin sa iba’t ibang kategorya.

Humahabol kay Beyoncé, na may nakamamanghang eight nomination, si Adele. Ang kanyang Hello ay nominated sa pitong kategorya, kabilang ang Video of the Year. Umaasa ang fans ng British diva na matatalo niya si Beyoncé. Maaari nang bumoto, simula ngayon, sa vma.mtv.com.

Ang iba pang mga nominado para sa Video of the Year ay ang meme-inspiring ni Drake na Hotline Bling, Sorry ni Justin Bieber, at ang NSFW ni Kanye West na Famous. Ang Famous, na idinirehe ni West, ay sikat sa pagtatampok ng nude lookalikes ng mga kontrobersiyal na celebrities, kabilang dito ang kalaban ni Kanye noon sa 2009 VMA na si Taylor Swift. Nominated din ang Famous para sa Best Male Video – kasama ang This Is What You Came For ng ex-boyfriend ni Swift na si Calvin Harris.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Lumabas si Swift sa VMA noong nakaraang taon, at nakapag-uwi ang kanyang Bad Blood ng mga pangunahing parangal, para ipakilala si West nang siya ay nakatanggap ng Michael Jackson Video Vanquard Award. Gayunman, kung isasaalang-alang ang iringan nila sa social media laban kina West at Harris kamakailan dahil sa Famous, at This Is What You Came For, may mga nagsasabi na tila hindi siya dadalo ngayong taon sa VMA ceremony, na eere nang live mula sa New York Madison Square Garden sa Agosto 28. (Yahoo Celebrity)