Nais paimbestigahan ni Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano kung bakit nababalam ang paglabas ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act 9049 tungkol sa Medal of Valor awardees na may 13 taon nang isinabatas.

Nagkakaloob ito ng buwanang gratuity at mga pribiliheyo sa military heroes, partikular sa mga ginawaran ng prestihiyosong Medal of Valor bilang pagkilala sa kanilang katapangan at ambag sa kabutihan ng bayan.

Sa House Resolution 9, hiniling ni Alejano na imbestigahan ang pagkabalam sa pagpapatupad ng naturang batas.

(Bert de Guzman)

Tsika at Intriga

Negosyo, nalugi! Ken Chan, 'di raw tinatakbuhan isinampang kaso sa kaniya