Mark Reyes & Sang'gres copy

EXCITED ang Encantadiks, televiewers na loyal followers ng Encantadia, sa unang appearance ng sang’gres na ayon sa mga mga taga-GMA-7 ay ipakikita ngayong gabi na nagsipagdalaga na.

Mahigit isang linggo munang nag-establish ang istorya, pero ngayong gabi ay mapapanood na sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, Sanya Lopez at Glaiza de Castro bilang mga bagong sang’gre sa requel ng epic-serye.

Naging iconic ang mga sang’gre noong panahon nina Iza Calzado, Karylle, Diana Zubiri at Sunshine Dizon eleven years ago, kaya marami ang nag-aabang sa muling paglitaw ng characters na ito sa bagong bersiyon.

Human-Interest

New pet peeve unlocked: 'Parang nagfe-Facebook sa ATM dahil sa sobrang tagal!'

Samantala, ayaw maging emosyonal ni Direk Mark Reyes sa grand launch ng Encantadia pero hindi pa rin niya napigilan sa sobrang tuwa na after ng tatlong attempts ay natuloy din sa wakas.

“Naintindihan ko naman ang network nang sa unang attempt ay sinabi nilang very expensive ng project,” kuwento ni Direk Mark. “May isa pang attempt pero hindi pa rin natuloy, until last year na tinawagan ako, go na daw, pumayag na ang management. Ang maganda, narito pa rin ang original staff like the writer, si Suzette Doctolero at si Noel Flores sa production design, ng unang Enca, old timers, na hindi trabaho ang tingin nila rito kundi isang vocation. Sobrang hirap kasing gawin nito, na kung mahina ka su-surrender ka, pero with dedicated performers susuko ka ba? Mahirap ang labanan pero handa kaming lumaban.”

Natutuwa rin si Direk Mark na pumayag si Conan Stevens ng The Game of Thrones na mag-appear sa Encantadia nang dumalaw ito sa set nila.

“Pumayag siyang mag-taping dito, magiging available siya sa August. Kung may dapat siyang gawin doon, magri-report muna siya roon (Hollywood) at pagkatapos, babalik muli siya rito. Siguro, we will teach him some Tagalog words at tuturuan din ng chant na tulad nang ginagawa ng mga characters ng Enca.”

Marami pang ikinuwento si Direk Mark, pero ayaw namin siyang i-preempt.

Committed sila na hanggang sa December 2016 ang Encantadia pero depende pa rin sa itatakbo ng istorya at sa pagtanggap ng televiewers na matagal naghintay sa requel. (NORA CALDERON)