superaL copy

WASHINGTON – Naungusan ni Princess Superal si low-medalist Naomi Ko ng Canada, 6 and 5, para makopo ang Pacific Northwest Women’s Amateur Championship title nitong Linggo sa Cle Elum.

Napagwagihan ni Superal ang lima sa unang anim na hole sa kanilang 36-hole finale sa Prospector Course sa Suncadia para makuha ang 6-up na bentahe sa unang duwelo sa umaga.

Nagawang makabawi ng Canadian sa ikalawang laro sa hapon nang tapyasin ang bentahe ng Pinay sa tatlo sa loob ng 24 hole, subalit nagpakatatag si Superal sa naiskor na birdie sa No. 25 at 28 para maibaon ang karibal tungo sa panalo.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“I really didn’t expect to win and Naomi is really a good player. But I hit it pretty well and my short game and putting clicked,” sambit ni Superal.

Magkasosyo sina Superal, Ko at Jisoo Keel sa liderato matapos ang elimination round, ngunit nakuha ni Ko, ang 2014 PNGA Junior Girls’ Player of the Year, ang top seeding sa playoff.

Nangibabaw si Superal, dating US Girls’ Junior champion, laban kina local bet Jalayne Martirez, 2-up, at Kristin Strankman, 7 and 5, sa second round.

Umiskor si Superal ng 7 and 6 kontra Marianne Li bago nagwagi kay TCC teammate Sam Martirez, 7 and 5, para maisaayos ang duwelo kay Ko.

“I was a little tired. I came here to have fun and to get some experience,” sambit ni Superal.