Rep-alvarez_presscon_04_vicoy_180616 copy

Si Davao del Norte Rep. Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez ang bagong Speaker sa Mababang Kapulungan, makaraang makakuha ito ng 251 boto sa hanay ng 293 kongresista, nang magbukas ang unang regular session ng 17th Congress.

Sa three-cornered Speakership race, ikalawa si Ifugao Rep. Teddy Brawner Baguilat na nakakuha ng 8 boto, at ikatlo naman si Quezon Rep. Danilo Suarez, na may 7 boto. Naitala sa 21 kongresista ang hindi bumoto o abstain.

Mismong si Quezon City Rep. Feliciano Belmonte Jr., dating Speaker, ang nag-nominate kay Alvarez sa Speakership.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

“I declare my support and the Liberal Party’s support to the speakership bid of Rep. Pantaleon Alvarez,” ayon kay Belmonte.

Matapos maboto si Alvarez, ng Partido Demokratikong Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), nanumpa ito sa katungkulan sa harap ng pinakabatang kongresista na si Ang Kabuhayan partylist Rep. Dennis Laogan.

Sa kanyang speech, nanawagan si Alvarez sa kanyang mga kasamahan na umpisahan na ang kanilang trabaho, lalo na sa pagpapatibay ng priority measures ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang dito ang pagpapatawag ng Constitutional Convention (Con-con) na aamiyenda sa Saligang Batas, pagkakaroon ng death penalty, pagpapababa sa edad ng juvenile offenders mula 15-anyos hanggang 9-anyos, at emergency powers sa Pangulo upang resolbahin ang problema ng trapiko sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan. (Charissa M. Luci)