Mga Laro Ngayon

(Xinzhuang gym)

1 n.h. -- Egypt vs Iran

3 n.h. -- India vs Korea

PVL, ibinalandra eligibility rules sa foreign players; Alohi Hardy, ekis ngayong conference

5 n.h. -- SSU-US vs PH-Mighty Sports

7 n.g. -- Taiwan-B vs Taiwan-A

PH-Mighty Sports sa Jones Cup, binalasa ng lokal media.

NEW TAIPEI CITY, Taiwan – Marami ang nagtaas ng kilay, higit mula sa home crowd nang pumagitna ang Team Philippines-Mighty Sports Apparel na dominante ng American import.

Naging usap-usapan ang line-up ng bansa nang gapiin ng Mighty Sports ang lokal team Taiwan-A sa pagsisimula ng 38th William Jones Cup sa Xinzhuang gym dito.

Ngunit, mabilis ang depensa ni national coach Bo Perasol sa pagkakasama ng pitong reinforcement na aniya’y isang bahagi ng estratehiya para sandigan ang bandila ng bansa.

“When we were invited by the Jones Cup organizers after our Gilas and the cadets were not available, they had specific instruction that the team that we are going to assemble is a competitive one,” pahayag ni Perasol sa media conference matapos ang 89-81 panalo kontra Taiwan-A Linggo ng gabi.

“We are representing our country so we used our resources to make sure we can compete against the best teams in this tournament.

“With limited time, the most logical recourse would be to sign up ex-PBA imports and free agents available.”

Dahil nakatuon ang pansin ng PBA sa ginaganap na Governors’ Cup at patuloy ang PBA Development League, nagdesisyon ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na ipadala ang Mighty Sports para katawanin ang bansa sa international club tournament.

Iginiit ni Mighty Sport team manager Jean Alabanza na walang regulasyon sa liga na nagpipigil sa bilang ng import sa isang koponan.

Aniya, siniguro nilang hindi pipitsugin ang koponan na ipinadala sa Jones Cup dahil sa mabigat na kompetisyon sa liga.

“If we bring patsies and we lose by 10 or 20 points, that would be an embarrassing to the club and to our country,” pahayag ni Alabanza.

Ibinasura naman ni Dewarick Spencer, hataw sa naiskor na 27 puntos, tampok ang 5-of-8 shooting mula sa 3-point zone, ang alingasngas hingil sa kanilang paglalaro sa PH club team.

“We are all focused to win for Mighty Sports and the Philippines,”aniya.

Inaasahan namang magbibigay din ng katatagan sa Mighty Sports ang 6-foot-7 Troy Gillenwater, kasama ni Spencer na naglalaro sa Korean Basketball League sa pakikipagtuos ng PH Team sa Sacramento State University ng United States, Lunes ng gabi.

Kumubra siya ng 19 puntos at anim na rebound laban sa Taiwanese.

Hindi naman nakaporma si Al Thornton, umiskor ng 69 puntos para sa NLEX Warriors sa PBA sa nakalipas na conference, na nalimitahan sa limang puntos mula sa mababang 2-of-10 shooting.

Kabilang din sa import ng Mighty Sports sina Zach Graham, Vernon Macklin, Mike Singletary, at Manila Olympic Qualifying Tournament veteran na si Hamady N’Diaye.

Samantala, nakabawi ang Koreans mula sa 74-73 na kabiguan sa Egyptians nang tambakan ang Sacramento State, 63-48, habang pinabagsak ng Taiwan-B ang matataas na Egyptian, 79-74.

Iskor:

Mighty Sports (89) – Spencer 27, Gillenwater 19, N’Diaye 13, Graham 12, Singletary 7, Thornton 5, Maclin 6, Brickman 0, Teng 0, Salvacion 0, Avenido 0.

Taiwa-A (81) – Liu 25, Chou 21, Davis 11,Yang 11, Chen 5, Lee 2, Chou 1, Creighton 0.

Quarters:

13-27, 40-37, 65-52, 89-81. (REY C. LACHICA)