VIENTIANE (Reuters) – Nalagpasan ng mga nasyon sa Southeast Asia ang ilang araw na deadlock nitong Lunes matapos bitawan ng Pilipinas ang kahilingan nito na banggitin sa joint statement ang makasaysayang hatol sa South China Sea, sinabi ng mga opisyal, matapos ang pagtutol ng Cambodia.

Pinasalamatan ni Chinese Foreign Minister Wang Yi Wang ang Cambodia sa pagsuporta sa paninindigan nito sa maritime disputes, dahilan para magkagulo ang regional block sa pagpupulong nitong weekend sa Vientiane, ang kabisera ng Laos.

Inaangkin ng China ang halos buong South China Sea, ngunit ang mga miyembro ng ASEAN na Pilipinas, Vietnam, Malaysia at Brunei ay may magkakaribal ding pag-aangkin sa nasabing daluyan ng tubig. Sa desisyon ng U.N.-backed Permanent Court of Arbitration noong Hulyo12, nanalo ang Pilipinas laban sa China at idineklarang imbalido ang mga pag-aangkin ng huli.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Kapwa nais ng Pilipinas at Vietnam na banggitin ang hatol ng tribunal at manawagan na igalang ang international maritime law sa communique. Ngunit kinontra ito ng Cambodia. Nag-aatubili rin ang Laos at Thailand.

Pumayag ang Manila nitong Lunes na hindi na ito banggitin sa communique, sinabi ng isang ASEAN diplomat, upang maiwasan ang hindi pagkakasundo na magbubunga ng hindi paglabas ng pahayag ng grupo.

Sa halip ay binanggit sa communiqué na dapat makahanap ng mapayapang resolusyon sa South China Sea alinsunod sa international law, kabilang na ang 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), na binanggit sa hatol ng Permanent Court of Arbitration.

“We remain seriously concerned about recent and ongoing developments and took note of the concerns expressed by some ministers on the land reclamations and escalation of activities in the area, which have eroded trust and confidence, increased tensions and may undermine peace, security and stability in the region,” saad sa ASEAN communique.