Mga laro ngayon

(San Juan Arena)

12 n.t. -- Arellano vs EAC

2 n.h. -- San Sebastian vs Lyceum

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

4 n.h. – UPH vs Benilde

Target ng St. Benilde na matuldukan ang nakadidismayang five-game losing streak sa pakikipagtuos sa University of Perpetual Help sa tampok na laro sa triple-bill ng NCAA Season 92 seniors basketball elimination ngayon sa San Juan Arena.

Nasa laylayan ng 10-team standing, tangan ang 0-5 karta, inaasahang ibibigay ng Blazers ang nalalabing lakas upang makaagapay at bigyan ng dangal ang eskwelahan sa duwelo sa ganap na 4:00 ng hapon.

Makakasalo ng Letran sa ikatlong posisyon ang tatangkain naman ng Arellano University at University of Perpetual Help sa pagsalang nila sa magkahiwalay na laban.

Kasalukuyang magkapantay sa ikaapat na puwesto ang Chiefs at Altas taglay ang 3-2 marka, may isang panalo ang pagkakaiwan sa Knights na may barahang 4-2.

Asam ng Chiefs, ang pre-tournament favourite na makabangon sa natamong kabiguan sa kamay ng league leader San Beda, habang hangad ng Altas na dugtungan ang naitalang panalo kontra defending champion Letran.

Makakasagupa ng Chiefs ang Emilio Aguinaldo College Generals na sumadsad sa ikaapat na sunod na kabiguan matapos manalo sa una nilang laro sa pambungad na laban ganap na 12:00 ng tanghali.

Makakatapat naman ng Altas ang wala pa ring panalong College of St.Benilde sa huling laro ganap na 4:00 ng hapon pagkatapos ng ikalawang laban sa pagitan ng San Sebastian at Lyceum ganap na 2:00 ng hapon.

Inaasahang muling mangunguna sa Altas ang foreign player na si Bright Akhuettie na consistent sa kanyang double-double performance. (Marivic Awitan)