Umaasa ang 63 porsiyento ng mamamayang Pilipino na matutupad ang mga ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) , base sa ipinalabas na survey kahapon ng Social Weather Station (SWS).
Ayon sa survey, lumitaw na 22% sa 1,200 respondents ang naniniwala na matutupad ni Duterte ang “lahat o halos lahat ng pangako nito.” Samantala 41% naman ang naniniwalang “karamihan sa pangako ng Pangulo ay matutupad.”
Konti lang ang matutupad na pangako, base naman sa paniniwala ng 32% ng respondents at 1% ang nagsasabing “walang matutupad na pangako.”
Nabatid na ang survey ay isinagawa mula Hunyo 24-27. (Jun Fabon)