WARSAW (AFP) – Magpapakalat ang Poland ng mahigit 40,000 security personnel para protektahan si Pope Francis at ang daan-daan kabataang Katoliko na sasalubong sa kanya sa World Youth Day (WYD) sa Krakow sa susunod na linggo.

Ikinasa ito kasunod ng serye ng madudugong pag-atake sa Paris, Brussels, Nice at Munich.

Bilang pinuno ng Simbahang Katoliko, si Pope Francis ay posibleng target, tulad ng tangkang pagpatay kay Pope John Paul II ng Turkish gunman na si Mehmet Ali Agca noong 1981.
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture