MONTANA (AFP) – Dalawang bata na naglalaro ng sikat na smartphone game na Pokemon Go ang labis na naging abala sa paghuhuli ng cartoon monsters at naligaw patawid sa US-Canada border.

Naispatan ng US Border Patrol agents ang dalawa na illegal na naglalakad mula Canada papasok sa US noong Huwebes ng gabi, sinabi ng opisina ng ahensiya sa Sweetgrass, Montana.

“Both juveniles were so captivated by their Pokemon Go games that they lost track of where they were. They crossed the international border inadvertently, but agents were able to reunite them with their mother,” sinabi ni public affairs officer Michael Rappold.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'