SAO PAULO, Brazil (AP) — Napilitan ang mga opisyal at security personnel na itumba sa sahig ang isang lalaki na nagtangkang agawin ang Olympic torch habang binabagtas ang lansangan sa lalawigan ng Guarulhos sa Brazil.

Sa video news na portal G1, biglang sinalubong ng hindi pa nakikilalang lalaki ang grupo ng mga runners na kasama ng torch bearer para sa ika-40 kilometrong marka ng torch relay bago ang opening ceremony ng Rio Games sa Agosto 5.

Kaagad itong naawat at kaagad na dinala sa himpilan ng pulisya.

Malaking isyu sa Brazil ang seguridad, higit sa Zika virus.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ilang kaso ng pagnanakaw laban sa mga atleta ang naitala may ilang linggo bago ang opening ceremony ng Quadrennial Games. Ilang kaso rin ng pagaresto ang naitala laban sa mga nakikisimpatiya sa IS terror group.