Dededmahin ng mga camera na ikinabit sa Batasan Complex para sa unang State of the Nation Adress (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga dadalo na may magagarbong kasuotan.

Hindi gaya ng mga nagdaang SONA na binibigyang-pansin ang mga nagpapatalbugan ng gown at iba pang kasuotan, out na ngayon ang pagarbohan.

Ayon kay Brillante Mendoza, ang pinili ni Duterte na maging director ng SONA, hindi niya pagtutuunan ng pansin ang naggagandahan at at mamahaling kasuotan ng mga dadalo, at sa halip ay magpopokus lamang ang coverage sa mensahe ng Pangulo.

“Magiging salungat sa konsepto ng pagiging simple ng Pangulo ang pag-focus sa magagarang kagayakan ng mga mambabatas at bisita,” diin ni Mendoza.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

May 15 camera ang ikinalat sa Batasan Complex, at karamihan dito ay nakatutok sa plenaryo kung saan ibibigay ni Pangulong Duterte ang kanyang SONA ngayong araw. - Beth Camia