fiba copyIbinaling ng 28th seed Philippine national youth team ang ngitngit sa Iraq sa dominanteng 96-79 panalo nitong Sabado (Linggo sa Manila), sa 24th FIBA Asia U-18 Championship sa People Sports Hall sa Azadi Complex sa Tehran. Iran.

Ang panalo ay pambawi ng Batang Gilas matapos matalo ng Taiwan, 74-88, sa opening day ng torneo.

Pinamunuan ni team captain Jolo Mendoza ang batang Gilas sa naitalang 25 puntos mula sa 7-of-14 shooting sa three-point, habang kumana si Joshua Sinclair ng 21 puntos at 12 rebound. Nag-ambag sina JV Gallego at Fran Yu sa naiskor na 12 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Naghulog ng back-to-back basket si Mendoza at isa pa kay Gian Mamuyac na nagtulak sa ‘Pinas sa pinakamalaki nitong abante sa 27 puntos sa ikaapat na yugto, 87-60, matapos agad na diktahan ang laban sa 26-17 iskor sa opening quarter.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Angie Oredo

 

Iskor:

Philippines (96) — Mendoza 25, Sinclair 21, Gallego 12, Yu 10, Carino 8, Mamuyac 7, Flores 4, Bahio 4, Tibayan 2, Madrigal 2, Lee 1, Pagsanjan 0.

Iraq (79) — Al-Zuhairi 39, Fadhil 11, Abbas 8, Al-Saedi 7, Obaidi 6, Jassanee 6, Al-Draisawi 2, Abdalla 0, Albomghee 0, Albo Mousa 0, Saadulah 0.

Quarters: 26-17, 56-39, 81-60, 96-79.