NABUHAY si Police Chief Superintendent Delfin S. Borja (Jaime Fabregas) o mas kilala bilang si Lolo Delfin ni Cardo (Coco Martin) kaya tiyak na magbubunyi ang lahat ng nalungkot nang barilin siya ni Mercurio (Cesar Montano).
Ha-ha-ha, nasulat namin kamakailan na ‘patay’ na si Lolo Delfin kaya marami kaagad ang nagtanong sa amin kung bakit pinatay, sana raw ay hindi.
Malay ba naman naming mahaba pala ang buhay ni Lolo Delfin, Bossing DMB. Oo nga, malaki nga pala ang tainga niya at may kasabihan na kapag malalaki ang tenga ay mahaba ang buhay at tsismoso.
Anyway, hindi binitiwan ng manonood ang FPJ’s Ang Probinsyano nitong nakaraang linggo. Consistent winner ang aksiyon-serye ni Coco sa ratings game, Kantar Media o AGB Nielsen man ang pinagkunan ng survey results.
Bukod sa mga taga-corporate world na nakausap namin na loyal viewers din pala ng Ang Probinsyano, nagtanong din kami sa ibang mahihilig manood ng teleserye at fantaserye. Heto ang katwiran ng mga taong nakakuwentuhan namin:
“Ganito lang ‘yan, kung ano ‘yung naumpisahan mong panoorin, doon ka na, hindi ka na bibitaw, bakit ka pa maglilipat ng channel kung nasimulan mo na ang isang palabas?
“Pupuwedeng manood ng bagong programa kapag hindi mo na gusto ang pinapanood mo o boring na, saka ka maglilipat ng channel.
“Sa analysis ko ha, heto lang ‘yan, Reggs, ang Ang Probinsyano kasi, pangmasa, all sexes, all ages pa, at higit sa lahat, aksiyon.
“Eh, alam mo naman ngayon, maraming mahilig sa aksiyon, mapa-babae man, lalo na ang mga lalaki siyempre, ‘tapos lumi-level pa sila sa nangyayaring krimen ngayon na hinuhuli ang mga adik, so, di ba, magandang panoorin.
“‘Tapos patok din sa bata dahil kina Onyok at Macmac, kaya ano pa hahanapin mo, di ba? Pasok sa lahat ang Ang Probinsyano ni Coco. Hindi lang naman si Coco ang pinapanood du’n, lahat sila may kanya-kanya silang kuwento.”
Nagtanong din kami sa mga nanonood ng Encantadia na aminadong nagandahan naman talaga sila lalo na raw sa special effects.
“Magenta naman, pero alam mo ‘yun, hindi mo siya tututukan kasi iba ‘yung kuwento, lumang panahon, eh, ano na ba tayo ngayon? Siyempre ang gusto natin, ‘yung kasalukuyan.
“Bukod pa sa hindi mo naman kilala ‘yung ibang artista if you’re not a GMA viewer, so ‘pag ‘nilipat mo, magtatanong ka, ‘sino ‘yun, sino siya, sino sila? Kulang kasi ang GMA sa push sa mga artista nila kaya hindi kilala ‘yung iba, maliban sa mga luma, of course sino’ng hindi makakakilala kina Marian Rivera, Dingdong Dantes, Sunshine Dizon, ‘tapos si Sexbomb si Rochelle (Pangilinan)?
“Good thing maraming nakakakilala na kinaKylie Padilla at Glaiza de Castro, e, sino ‘yungGabbi at Sanya ba ‘yun? Well, Rocco Nacino kilala rin because of Lovi Poe, di ba, away-bati sila? Siyempre si Solenn Heussaff kilala dahil matagal na siya, at imposibleng hindi mo makikilala si Heneral Luna (John Arcilla), ha-ha. Kidding aside, medyo hindi kami maka-relate sa Encantadia.”
Halos lahat ng artista ng GMA-7 ay isinama na sa Encantadia 2016.
“Oo pero hindi naman nakatulong sa first week episode nila. Let’s wait for the second week,” hirit ulit sa amin.
Samantala, mukhang episode na ni Vice Ganda ang mapapanood sa Ang Probinsyano dahil ipinakita na siya sa trailer noong Biyernes. (REGGEE BONOAN)