IPINAGDIRIWANG ng Puerto Rico ang Constitution Day (Dia del Estado Libre Asociado de Puerto Rico) tuwing Hulyo 25 ng bawat taon. Isinisimbolo ng public holiday na ito ang araw na naaprubahan ang Konstitusyon ng Puerto Rico noong 1952. Ipinagdiriwang ito sa pamamagitan ng mga parada, talumpati, fireworks at pagsasaya.
Niratipikahan ang Constitution of the Commonwealth ng Puerto Rico sa pagpapasya sa isang referendum noong Marso 3, 1952. Noong Hulyo 25, 1952, iprinoklama ni Governor Luiz Munoz Marin na epektibo na ang konstitusyon. Hulyo 25 ang itinalaga bilang Constitution Day noong Agosto 4, 1952. Inaalala ng holiday na ito ang araw nang nagtungo ang tropa ng mga Amerikano sa teritoryo ng Puerto Rico noong Hulyo 25, 1898.
Ang Konstitusyon, na kumokontrol sa dokumento ng gobyerno ng Puerto Rico, ay binubuo ng siyam na artikulo na nagdedetalye sa balangkas ng gobyerno at sa tungkulin ng iba’t ibang institusyon nito. Nakapaloob dito ang Bill of Rights. At dahil ang Puerto Rico ay commonwealth ng United States, ang Puerto Rico Constitution ay malinaw na tumatalima sa saligan ng US Constitution at ng kaugnay nitong lehislaturang Federal.
Ang Puerto Rico ay isang isla na nasa bandang hilaga ang Atlantic Ocean at ang Caribbean Sea sa timog. Ang San Juan ang lungsod na may pinakamalaking populasyon sa Puerto Rico. Kilala ang kabisera bilang La Ciudad Amurallada (the walled city) at isa sa pinakamalalaki at pinakamagagandang natural na daungan sa Caribbean. Ito ang ikalawang pinakamatandang siyudad na nadiskubre ng Europa sa Americas (kasunod ng Santo Domingo, na itinatag noong Agosto 5, 1498). Pinagkalooban ang San Juan ng magagandang luntiang bundok, mga talon, at tropical rainforest na El Yungue National Forest. Ang El Yungue ay isang kabundukang rainforest na madalas na nalalambungan ng mga ulap ang tuktok. Tanyag din ang kabisera sa puting buhangin nito at malinis na dalampasigan at coral reefs, na paborito ng mga nais mag-snorkeling, diving, surfing, at, sailing.
Binabati namin ang Mamamayan at Gobyerno ng Puerto Rico, sa pangunguna ni Governor Alejandro Garcia Padilla, sa pagdiriwang nila ng Constitution Day.