MAY kuwento tungkol sa isang lalaki na may insomnia. Nagdesisyon siyang gawin ang makalumang paraan: ang magbilang ng tupa.
Humiga siya sa kanyang kama at ipinikit ang mga mata, ngunit nang dumating ang isang tupa, nadapa ito at nahulog.
May darating kaya para matulungan ang nahulog na tupa? Ilan pa bang tupa ang mahuhulog sa nahulog na tupa? Ilang tupa ang masusugatan? Ilan pa bang tupa ang malalagas sa pastol dahil sa insidente?
Masyadong dinamdam ng lalaki ang problema at lalong hindi siya nakatulog!
Sabi ni Jesus, “Do not worry about your life, what you will eat or drink. Look at the birds of the air; they do not sow or reap, yet your heavenly Father feeds them” (Mt 6: 25-27).
Nang sabihin iyon ni Jesus, sinasabi niya na hindi tayo pinababayaan ng Panginoon.
“Are not you of much more value than they?” aniya.
Ayon sa manunulat na si J.C. Holland, “God gives every bird its food, but He does not throw it into the nest.” If you observe the birds, they work so hard scraping food here and there in order to feed their nestlings.
Kaya, kapag sinabi ng Diyos: “Don’t worry,” Hindi niya ibig sabihin “Don’t work.”
Gaya ng itinuturo ni Jesus na ‘wag mabahala, may ibang nagsasabi na, “You mean to say I should not worry if my creditors are running after me over my two-million peso debt?” O kaya nama’y, “should I not worry if I’m on the verge of losing my job due to retrenchment”? O kaya ay, “this lump on my neck is diagnosed as terminal cancer”?
Maaari itong maging sanhi ng pangamba. Ngunit kailangan nating alalahanin ang dalawang bagay kaugnay sa usaping ito:
ang pangamba at pag-aalala. Ang pag-aalala ay isang emosyonal na pagtugon na nakaka-stress at nakakapiga ng utak.
Ang PAG-AALALA, sa kabilang banda, ay isang rational at constructive process—at ito ay NASOSOLUSYUNAN.
Malaki ang pinagkaiba nito sa pagitan ng takot na sinasamahan ng aksiyon at ang determinasyon na mahinahong makahanap ng solusyon.
Halimbawa na lamang sa mga nawalan ng trabaho, hindi pa ito ang katapusan ng lahat. Maaari pang muling magsimula.
(Fr. Bel San Luis, SVD)