Nakatuon ang bagong liderato ng Senado sa balak ni Pangulong Rodrigo Duterte na isulong ang pederalismo, kapayapaan, laban sa droga at korapsyon.
Ayon kay incoming Senate President Aqulino Pimentel III, mayorya sa mga Senador ay buo ang suporta sa bagong administrasyon.
Aniya, kung ang Pangulo ay nakakuha ng 91% suporta mula sa taumbayan, tiyak na magdadalawang-isip ang sinumang kokontra sa kanyang liderato.
Sinabi pa nito na ang pagsulong ng pederalismo na magbibigay ng awtonomiya sa mga rehiyon ay malaking hakbang tungo sa mas maayos na pamamahala.
Sinabi pa nito na palalakasin din nila ang batas kontra droga at ibabalik ang parusang kamatayan.
“Kung may pagkukulang pa sa batas, handa kaming tumulong,” ani Pimentel. (Leonel Abasola)