Nais ni Bohol Rep. Arthur Yap na lumikha ng isang national conditional fund transfer program upang makatulong sa pagpapababa sa kahirapan at maisulong ang human capital development.
Naghain si Yap ng House Bill 823 na lumilikha sa “Pantawid Pamilyang Pilipino Program” upang ma-institutionalize ang implementasyon ng programa sa pamamagitan ng pagkakaloob ng awtoridad upang masiguro ang patuloy na pagpopondo at mailahad ang mga alituntunin sa pagkakaloob ng tulong sa mga benepisaryo.
“The main objective of the program is to impact on the hunger situation of the poorest families in the country by granting them conditional cash benefits and investing in human capital. The conditionalities of the grant are primarily for the parents to send their children to school and to health care centers on a regular basis,”ani Yap.
(Bert de Guzman)