JULIA AT COCO_1 copy

HINDI lang primetime shows ng ABS-CBN ang umaarangkada sa ratings game kundi pati rin ang panghapong programa tulad ng Doble Kara nina Julia Montes at Sam Milby.

Consistent winner ang Doble Kara kaya nagkaroon ng book two, at ayaw bitiwan ng manonood at advertisers. Kaya rin kahit ano pa ang itapat na programa, hindi natitinag.

Tulad noong Martes, base sa viewership survey data ng Kantar Media, kumabig ng 16.8% ang Doble Kara kumpara sa bagong programang Sinungaling Mong Puso na nagtala lang ng 9%.

Kahayupan (Pets)

May sakit na, inabandona pa ng pamilya? Fur mom, umapela para sa rescued cats

Lalo pa kasing gumaganda ang kuwento ng Doble Kara dahil nagkabati na ang kambal na sina Sara at Kara at tanging si Maxene Magalona na lang ang maldita na gumaganap bilang si Alex.

May narinig kaming feedback na, “ang galing ng shows ng magdyowa, parehong mataas ang ratings.” 

Siyempre tinanong namin ang nagsabi kung sino ang magdyowa na tinutukoy, “Ano ka ba, e, di sina Coco (Martin) at Julia.”

Sabi namin, ‘e, sabi ni Coco magkaibigan lang daw sila kaya hindi sila magdyowa.’

Di ba, Bossing DMB, magkaibigan lang sila?

(Next question, please! Hahahaha! --DMB)