PATULOY ang Laguna Lake Development Authority (LLDA) sa paggigiba ng mga illegal fish pen sa Laguna de Bay. Ang paggiba sa mga illlegal fish pen sa lawa ay bahagi ng kanilang mandato at mga gawain na pangalagaan at mapaluwag ang pinakamalaking lawa sa bansa. Ayon kay LLDA General Manager Neric O. Acosta, ang ginibang fish pen nitong Hulyo 15 ay may 23 ektarya na nasa bahagi ng Laguna de Bay na sakop ng lalawigan ng Rizal. Ang ginibang fishpen ay nasa navigational lane sa Barangay Boor, Talim Island, Cardona, Rizal. Ang may-ari ng illegal fish pen ay nagngangalang Harry Arriola na hindi sumunod sa mga patakaran ng LLDA. Walang valid permit. Isang malinaw na paglabag sa Rules and Regulations na ipinatutupad ng Revised Laguna de Bay Zoning and Management Plan (ZOMAP).

Ayon pa kay LLDA General Manager Neric O. Acosta, tinutupad ng ahensiya ang mga tungklin nito upang matiyak na nasusunod ang patakaran ng LLDA. Binigyang-diin pa ni Acosta na dapat sundin ng mga fish pen operator ang mga itinakdang kautusan ng ahensiya sapagkat ang LLDA ay may mandato o tungkulin na panatilihin at pangalagaan ang ecological balance at capacity ng Lawa. Pinaluluwag namin ang Laguna de Bay upang maiwasan ang pagsisiksikan o sobrang dami ng fish pen. Mapanatili ang carrying capacity ng lawa na hanggang sampung porsiyento lamang ng kabuuan ng lugar.

Sa bahagi pa ng paliwanag ni LLDA General Manager Neric O. Acosta sa paggiba ng mga illegal fish pen, halos naubos na ang lahat ng kanilang mga pagsisikap sa pagbibigay ng babala sa mga lumalabag na fish pen operator. Binigyan na sila ng sapat na pagkakataon na sila na ang mag-demolish ng kanilang fish pen na ilegal ang pagkakatayo sa Lawa, ngunit hindi sila sumunod. Dahil dito, ang LLDA na ang kumilos para sa demolisyon ng mga illegal fish pen. Sa ginawang demolisyon, tinanggal ang mga poste at ang mga bahagi ng fish pen na nasa Lawa.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang LLDA ay naitatag matapos pagtibayin ang Republic Act 4840 noong 1966. (Clemen Bautista)