Sabik ang Pilipinas na ipagpatuloy ang development sa mahalagang oil at gas reserves sa baybayin nito, ngunit kailangan muna nitong makasundo ang Chinese government na nagalit sa desisyon kamakailan ng isang international tribunal na nagbigay ng malaking panalo sa Manila sa South China Sea.

Umaasa ang Pilipinas sa inaangkat na langis para tustusan ang lumalagong ekonomiya nito. Lalong bibigat ang pagsandal na ito sa mga susunod na taon kapag naubos na ang pangunahing pinagkukunan ng domestic natural gas, kaya’t nauubos na rin ang oras para sa pag-develop sa mga offshore field na tila walang senyales na bibitawan ng China.

Tumanggi ang Beijing na kilalanin ang hatol ng Permanent Court of Arbitration na nagkakaloob ng sovereign rights sa Pilipinas para linangin ang offshore oil at gas fields, kabilang na ang Reed Bank, isang mababaw na tablemount (bulkan sa ilalim ng dagat), may 85 nautical miles mula sa dalampasigan nito.

At habang nanatili ang sitwasyong ito, mahihirapan ang Pilipinas na makahanap ng foreign expertise na handang sumugal sa galit ng China, sinabi ng mga opisyal at eksperto.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Ayon sa U.S. oilfield services company na Weatherford, ang isang concession o pahintulot para linangin ang langis – SC 72 – ay naglalaman ng 2.6-8.8 trillion cubic feet ng natural gas. Ito ay mahigit triple ng dami ng nadiskubre sa Malampaya project, ang offshore field na nagpapagana sa 40 porsiyento ng pangunahing isla ng Luzon, ang kinaroroonan ng kabiserang Maynila.

Ang Malampaya, dinebelop ng Royal Dutch Shell at nagsimula ang operasyon noong 2001, ay paubos na ang productive life. Ang tanging praktikal na kapalit nito ay nasa mga tubig na iginigiit ng China na hindi nito bibitawan.

“Malampaya is going to run out of gas in 10 years so there is urgency for us to develop the Reed Bank,” sabi ni Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio.

Si Carpio ay bahagi ng legal team na nagsulong ng kaso sa The Hague at sinabing malaking factor sa desisyon ng Pilipinas na isulong ang arbitration noong 2013 ay ang pagharang ng China sa paligid ng Reed Bank.

“Every time we send a survey ship there, Chinese coastguard vessels harass our survey ships,” aniya sa news channel ANC. “That’s why we had to do something.”

ISANTABI MUNA ANG IRINGAN

Naniniwala ang U.S. Energy Information Administration na posibleng nakaimbak sa ilalim ng South China Sea ang 11 billion barrels ng langis, mas marami kaysa reserba ng Mexico, at 190 trillion cubic feet ng natural gas.

Gayunman, karamihan ng mga banyagang kumpanya na may puhunan at teknolohiya para idebelop ang mga reserbang ito, ay ayaw maipit sa gulo ng agawan ng jurisdiction at iniwasan mga alok na concession sa mga pinag-aagawang tubig.

PAGHATIAN NA LANG?

Kung walang kasunduan sa pagitan ng Manila at Beijing, magiging pahirapan ang paghanap sa development partners, sinabi ni Andrew Harwood, Southeast Asia upstream analyst sa Wood Mackenzie.

“There has to be some softening of Beijing’s stance before any companies would be willing to go and drill in any of the disputed areas,” aniya. (Reuters)