Hindi basta masisilo ang ‘malalaking isda’ sa kalakalan ng ilegal na droga sapagkat nasa labas ng bansa ang mga drug lord na ito, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Kaya huwag kayo masyadong maniwala diyan sa mga sasabihin nila na, ‘Where is the big fish?’ Iyong malalaki? Ang malalaki wala rito. Dili [Hindi] natin kaya abutin. Makipag-giyera ka pa sa labas (ng bansa) bago mo makuha sila,” ayon kay Duterte sa kanyang pahayag sa 6th Infantry Division ng Army na nakabase sa Camp Sioco, Maguindanao.

“Hindi mo matapos ito kapag hindi mo putulin lahat kasi galing sa labas,” dagdag pa ng Pangulo noong Biyernes ng gabi.

Naniniwala ang Pangulo na ‘galamay’ na lamang ng malalaking drug lords ang kumikilos sa Pilipinas. Samantala ang tunay na malalaki ay nasa ibang bansa pero patuloy na nagpapaikot sa kanilang ‘lieutenants’ sa Pilipinas.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Una nang sinelyuhan ng pamahalaan ang National Bilibid Prisons (NBP) kung saan pinabantayan sa isang batalyong tropa ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) ang Building 14 na pinagpipiitan ng big-time drug lords na sina Peter Co at Herbert Colangco.

Sa impormasyon ng mga awtoridad, gamit ang cellphone ay nakakasawsaw pa sa illegal drug trade ang mga ito.

Magugunita na sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na galing sa Mainland China ang mga droga, niluluto sa gitna ng dagat at itinatapon sa dagat na may nakadikit na GPS kaya nare-retrieve ng kanilang mga counterpart sa Pilipinas. (Jun Fabon)