POSIBLENG ang 2016 ang maging pinakamainit na taon para sa planeta at mas mabilis kaysa inaasahang pag-iinit ng mundo, ayon sa World Meteorological Organization (WMO).

Ang mga temperaturang naitala, karamihan ay sa hilagang kalahati ng mundo, sa unang anim na buwan ng taon, idagdag pa ang mas maaga at mas mabilis na pagkatunaw ng niyebe sa Arctic Sea at pagkakatala ng “new highs” sa antas ng carbon dioxide na nag-iipon ng init, ay tumutukoy sa mas mabilis na pagbabago ng klima, ayon sa WMO.

Itinala nitong Hunyo ang ika-14 na sunod na buwan ng bagong record ng init, ayon sa ahensiya ng United Nations. Dahil dito, nanawagan ito ng mas mabilis na implementasyon sa isang pandaigdigang kasunduan na nilagdaan sa Paris noong Disyembre upang limitahan ang epekto ng climate change sa pamamagitan ng paggamit sa green energy sa halip na fossil fuels hanggang sa 2100.

“What we’ve seen so far for the first six months of 2016 is really quite alarming,” sinabi ni David Carlson, direktor ng Climate Research Program ng WMO. “This year suggests that the planet can warm up faster than we expected in a much shorter time... We don’t have as much time as we thought.”

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang average na temperatura sa unang anim na buwan ng 2016 ay nasa 1.3° Celsius (2.4° Fahrenheit) na mas mainit kaysa naitala noong pre-industrial era sa huling bahagi ng ika-19 na siglo, ayon sa space agency na NASA.

Alinsunod sa Paris Agreement, halos 200 gobyerno ang nagkasundong limitahan ang global warming sa mas mababa sa 2°C (3.6°F) above pre-industrial levels, habang “pursuing efforts” para sa pinakamataas na 1.5°C—isang higit na mababang limitasyon na mas madaling maisakatuparan.

“There’s almost no plausible scenario at this point that is going to get us anything other than an extraordinary year in terms of ice (melt), CO2, temperature—all the things that we track,” sabi ni Carlson.

“If we got this much surprise this year, how many more surprises are ahead of us?”

Ang matinding El Niño na nanalasa simula 2015 hanggang 2016 sa Pacific Ocean, isang phenomenon na tinatampukan ng matinding tagtuyot, bagyo at baha, ay nakapag-ambag sa pinakamatataas na temperaturang naitala sa unang kalahati ng 2016 bago tuluyang nalusaw noong Mayo, ayon sa WMO.

“Climate change, caused by heat-trapping greenhouse gases, will not (disappear). This means we face more heatwaves, more extreme rainfall and potential for higher impact tropical cyclones,” sabi ni WMO Secretary-General Petteri Taalas.

Ang mga paulit-ulit na matitinding kalamidad sa mundo, gaya ng heatwaves, malakas na ulan at matinding tagtuyot, ay maaaring makahikayat ng mas maraming hakbangin upang tuluyan nang malimitahan ang greenhouse gas emissions.

“Research shows that for the general public extremes make climate change more tangible, more understandable,” sabi ni Joeri Rogelj, climate expert sa International Institute for Applied Systems Analysis sa Vienna.

“It could help to motivate people to engage in climate action, and do something.” (Reuters)