Muling tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na suportado niya ang sinuman sa militar na makakapatay sa mga sangkot sa ilegal na droga at iba pang krimen.

Sa pagharap ng Pangulo sa mga sundalo sa Zamboanga City, muli niyang iginiit na walang magiging problema ang mga nagpapatupad sa utos niyang lipulin ang mga nasa likod ng illegal drug trade.

Ipinagmalaki rin ni Duterte na sa kabila ng daan-daang drug suspect na ang napapatay sa bansa, nasa 80,000 drug dependent naman ang sumuko.

Hinimok din ng Presidente ang mga sundalo na gumawa ng sariling sakripisyo upang maipanalo ang kampanya laban sa droga at terorismo, kapalit ang katiyakang dadagdagan niya ang suweldo at mga benepisyo ng militar. (Beth Camia)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito