Montreal (AFP) – Nahaharap sa total ban ang Team Russia sa Rio Olympics makaraang ibasura ng Court of Arbitration for Sports (CAS) ang apela ng Russian athletics federation sa parusang ipinataw ng International Amateur Athletics Federation (IAAF) bunsod ng malawakang kaso ng doping, sa pangangasiwa ng state-sponsored doping lab sa bansa.

“The IOC executive board is to hold more talks on Sunday and a decision on a ban could be announced after,”pahayag ng International Olympic Committee (IOC).

Nauna rito, hiniling ng World Anti-Doping Agency (WADA) sa IOC na ikunsidera ang total banned sa Team Russia.

Kumbinsido naman ang WADA sa desisyon ng CAS, at nakatutulong umano ito upang mapataas ang antas ng paglalaro sa Olympics.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

“It is now up to other international federations to consider their responsibilities under the World Anti-Doping Code as it relates to their Russian national federations and up to the International Olympic Committee... to consider its responsibilities under the Olympic Charter,” pahayag ng WADA.

Nanawagan naman si United States Anti-Doping (USADA) chief executive Travis Tygart ng all-out ban.

“We hope ... the IOC will now follow the path this decision (by CAS) has paved and restore faith in the Olympic values by exercising its authority to suspend the Russian Olympic Committee while allowing for a process by which individual Russian athletes can compete if they can prove they are truly clean,” ayon kay Tygart.

Pinangangambahan na magreresulta sa krisis ang hindi paglahok ng Russia, kinikilalang world sports power, sa Olympics.

Ngunit, may malawakang panawagan na bigyan ng matinding kaparusahan ang Russia bunsod ng mahabang taong pagkasangkot sa illegal na droga.

“This will scare a lot of people, or send a strong message that the sport is serious about cleaning up,” ayon kay six-time Olympic sprint title winner Usain Bolt ng Jamaica patungkol sa desisyon ng korte.

Inilarawan naman ni Sport Minister Vitaly Mutko ng Russia ang desisyon ng CAS na may halong pulitika’ at illegal.

Tinanggi naman ng Russia ang pagkakadawit nito sa krisis sa doping.

Kabilang sa 67 atleta ang two-time Olympic pole vault champion Yelena Isinbayeva at world champion men’s 110m hurdler Sergey Shubenkov. (Isinalin ni Lorenzo Jose Nicolas)