DHAKA/NEW YORK (Reuters) – Nang pahintulutan ng Federal Reserve Bank of New York ang limang transaksiyon ng mga hacker ng Bangladesh Bank, napunta ang pera sa dalawang direksiyon. Noong Huwebes, Pebrero 4, ipinadala ng Fed’s system ang $20 million sa Sri Lanka at ang $81 million sa Pilipinas.

Nagkaroon ng mahalagang pagkakamali ang transaksiyon patungong Sri Lanka dahilan para maalerto ang Deutsche Bank, ang intermediary sa transaction, at ang isang Sri Lankan bank para kontakin ang Bangladesh Bank, na nagresulta sa pagkakansela sa payment at pagbabalik ng pera.

Nang Huwebes ding iyon, sa loob lamang ng ilang minuto, pinahintulutan rin ng New York Fed ang apat na transaksiyon sa mga account sa Rizal Commercial Banking Corp (RCBC) sa Pilipinas – para sa $6 million, $30 million, $20 million at $25 million.

Ang bawat account ay nasa pangalan ng isang indibidwal, ayon sa abogado ng RCBC na si Maria Cecilla Estavillo, na tumestigo sa Philippine Senate committee na nag-iimbestiga sa cyber heist. Peke ang lahat ng pangalan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang mga account ay nasa isang sangay ng RCBC sa Jupiter Street, sa Makati business district. Ayon sa testimonya ni Estavillo at ng mga opisyal ng bangko, $22.7 million ang na-withdraw mula sa isa sa mga RCBC nang hapon ng Biyernes, Pebrero 5. Ngunit ang ibang pera ay nananatili sa RCBC.

Nang weekend na iyon, kinansela ng Bangladesh Bank ang fraudulent payment requests ng mga hacker.

Nang Lunes, ayon sa Bangladesh Bank sources at sa testimonya sa Senado, nagpadala ang Bangladesh Bank ng mga mensahe sa pamamagitan ng SWIFT bank messaging system sa RCBC na humihiling dito na i- freeze ang pera na dumating sa account ng apat na indibidwal. Holiday noon sa Pilipinas para sa pagdiriwang ng Chinese New Year.

Nang sumunod na umaga, halos $58 million ang kinuha mula sa mga account na ito. Kinagabihan, sinabi ng RCBC sa Bangladesh Bank na frozen na ang apat na pinaghihinalaang account – ngunit $68,305 na lamang ang laman ng mga ito.

Sinabi ng mga opisyal ng RCBC sa Senate committee na mali ang format ng SWIFT messages mula sa Bangladesh Bank at hindi namarkahan ng urgent, kayat natambakan ito ng iba pang mensahe at gabi na nang makita ng mga staff.

Sa ilalim ng Philippine banking laws, hindi maaaring i-freeze ang mga ninakaw na pondo hanggang walang inihaing kaso, kahit na nasa banking system pa ang mga ito. Nang mga sumunod na araw, karamihan ng $81 million ay naglaho papunta sa casino industry ng bansa, na hindi sakop ng anti-money laundering laws.

Kahit nabawi ang $18 million, hindi na natunton ang mga dinaanan nito.