Sinimulan na ang paghahanda ng NCAA Management Committee at ng television coveror ng liga na ABS-CBN para sa darating na NCAA Season 92 All Star Games.

Namimili na ang Mancom ng 24 na player mula sa 10 koponan na maglalaban sa Agosto 12 matapos ang first round elimination.

Tulad nang nakagawian, magsisilbing centerpiece ng nasabing programa ang pagtutuoos ng East at West All- Star teams sa isang exhibition match.

Nakatakdang isiwalat ng ManCom ang mga manlalarong bubuo sa dalawang koponan gayundin ang mga magiging coache bago matapos ang linggong ito, gayundin ang mga manlalarong kasali sa mga side events na nadagdagan ngayong taon.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Maliban sa 3-point shootout, slam dunk at obstacle challenge, magkakaroon na rin ng 2-ball challenge kung saan tatlo ang maglalaro na kinabibilangan ng isang junior, isang senior at isang legend o alumni.

Bubuuin ang West All Star ng mga manlalarong mapipili mula sa Lyceum, Mapua, Letran, St.Benilde at Emilio Aguinaldo College, habang pagsasama- samahin naman sa East ang San Beda College, San Sebastian College, University of Perpetual , Arellano University, at Jose Rizal University. (Marivic Awitan)