Iminumungkahi ni Rep. Gary Alejano (Party-list, Magdalo) ang paglikha ng National Capital Commission (NCS) na mag-aaral at magrerekomenda sa paglilipat o pananatili ng national capital at ng seat of the government upang higit na mapabuti ang mga transaksiyon sa pamahalaan at mapabilis ang pag-unlad sa buong bansa.
Binanggit ni Alejano na sapul noong 1976, ang Lungsod ng Maynila ang national capital o kabisera ng bansa at itinuturing ding upuan o seat of the national government.
Gayunman, pinuna niya na maraming ahensiya ng pamahalaan ang nasa labas ng Maynila. Masyado na ring masikip sa lungsod at problema ang drainage system nito “with only little space left for development.” (Bert de Guzman)