ANG Ang Hapis at Himagsik ni Hermano Puli ay pinili bilang closing film ng 2016 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival (PIFF).
Gawa ng T-Rex Entertainment at mula sa panulat ni Enrique Ramos, nakapokus ang pelikula kay Hermano Puli, ang nakakalimutan nang mangangaral noon ika-19 na siglo, na ginagampanan ni Aljur Abrencia.
Tampok sa Ang Hapis at Himagsik ni Hermano Puli si Puli at ang mga kabataang Pilipino na nagpasimula ng pagbabago laban sa mga Kastila.
Dalawampu’t walo o 28 taong gulang si Puli nang patayin ng mga dayuhan; kaya tumpak na si Aljur, 26 ngayon, ang gumanap sa kanya.
Kasama sa cast ng Hermano Puli sina Louise de los Reyes, Enzo Pineda, Markki Stroem, Kiko Matos, Vin Abrencia, Ross Pesigan, at Allen Abrencia.
Para mabigyang-diin ang mensahe ng pelikula sa mga bata, ang Hermano Puli ay nagtatag ng pambansang campus tour, ang “Bayani Ba ‘To?”
Inumpisahan ang tour noong ika-9 ng Hulyo sa Angeles University Foundation, na dinaluhan ng 1,300 estudyante.
Apatnapung kolehiyo ang bibisitahin at magtatapos ang campus tour sa Setyempre, kasabay ng pagsisimula ng commercial run ng Hermano Puli.
Ang historical drama ay unang ipapalabas sa Tanghalang Nicanor Abelardo ng Cultural Center of the Philippines sa ika-13 ng Agosto, sa bisperas ng awarding ceremony ng PIFF. (PIERRE BOCO)