KUALA LUMPUR (Reuters) – Inendorso ni Anwar Ibrahim, ang nakakulong na de-facto leader ng alyansa ng oposisyon ng Malaysia, ang political compact na pinamumunuan ng kanyang karibal na si Mahathir Mohamad, sa pagsasanib-puwersa ng rebelde ng ruling party at ng oposisyon para labanan ang nabahiran ng eskandalong si Prime Minister Najib Razak.

Ang bagong koalisyon ang posibleng pinakamalaking political threat kay Najib, na nahaharap sa patuloy na panawagan na bumaba sa puwesto dahil sa alegasyon ng multi-billion dollar graft sa state-owned investment fund na 1Malaysia Development Berhad (1MDB) na kanyang pinamamahalaan.

Sina Anwar at dating premier Mahathir ay mga bigating pigura sa politika ng Malaysia. Ang mapait na alitan ng dalawang matataas na lider ay tumagal ng halos dalawang dekada na bumago sa political landscape ng bansa.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'