WASHINGTON (AFP) – Isang Ukrainian na diumano’y ring leader ng pinakamalaking online piracy site sa mundo, ang Kickass Torrents, ang sinampahan ng kasong kriminal sa United States noong Miyerkules, inakusahan siya ng pamamahagi sa mahigit $1 billion halaga ng illegally copied films, music at iba pang content.

Inilatag ng Justice Department ang criminal complaint laban kay Artem Vaulin, 30, ng Kharkiv, Ukraine, na naaresto sa Poland nang araw na iyon at pinaghahanap ng mga awtoridad ng US dahil sa copyright infringement, money laundering at iba pang kaso.

Si Vaulin ang sinasabing nagmamay-ari ng Kickass Torrents o KAT, na nitong mga nakalipas na taon ay naungusan ang Pirate Bay at iba pa upang maging world’s biggest source of pirated media.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina