Naitala ni untitled Daniel Quizon ang pinakamalaking panalo, habang nangibabaw si 10th seed Woman FIDE Master Allaney Jia Doroy sa blitz para makamit ang gintong medalya sa 12th Asian Schools Chess Championships kamakailan, sa Iran Chess Federation playing hall sa Tehran.

Nasilat ni Quizon, 12, mula sa San Miguel Elementary School-Dasmariñas City, ang pito sa siyam na mga karibal, para makopo ang kabuuang 7.5 puntos at manguna sa 52-player Open boy’s Under-13 category ng 17-nation, 10-day chessfest.

Ginapi niya sina third seed Iraqi FM Dharir Habeeb Moazaz, Iranians 13th seed Amin Hooman Moshiri, 15th seed Mahan Baneshi, top seed Arash Daghli, at 12th seed Nami Nikzad, at Turkmenistanis 17th seed Geldimyrat Saburov, at 22nd seed Azat Nurmamedov.

Tanging tumalo sa Pinoy sa fourth round si 21st seed Mongolian Lkhagvasanj Bilguun at ang naka-draw ay si 14th seed Mahdi Rezaee ng host country.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakuha rin Quizon ang bronze medal sa rapid na may 49 na entry.

Hindi naman nagpahuli ang 15-anyos mula sa San Francisco, Agusan del Sur at National University grade nine student na si Doroy sa pamamayagpag sa girls U17 na sinalihan ng 16 na koponan. Nakapagtala siya ng kabuuang 8.0 puntos.

Sumablay si Kylen Joy Mordido sa ikalawang gintong medalya sa girls U15 na may 23 entry. Siya ang lone gold medalist sa 14-bets Team Philippines sa 36-player rapid girls U15. (Angie Oredo)