MARIAN AT DINGDONG_please use this copy

NASAKSIHAN ng mga manonood ang engrandeng pagbabalik ng Encantadia, ang sikat at minahal na telefantasya, sa GMA Telebabad.

Sa unang episode, ipinakita ang kasaysayan ng Encantadia at kung paano nagkaroon ng apat na brilyante – apoy, hangin, tubig at lupa.

Napanood ang natatanging pagganap ng Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes bilang Raquim at Marian Rivera bilang Ynang Reyna Minea.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Ipinakilala naman bilang mga tauhan sa kaharian ng Hatoria sila John Arcilla bilang Hagorn at Rochelle Pangilinan bilang Agane. Sa Lireo naman, gumaganap sina Rocco Nacino bilang Aquil, Vaness del Moral bilang Gurna at Carlo Gonzales bilang Muros.

Nagbalik din sa teleserye si Sunshine Dizon na dating gumanap na Pirena at ngayon ay bilang Adhara. May partisipasyon din sina Max Collins at Solenn Heussaff bilang Amihan at Cassiopea.

Ayon sa datos ng Nielsen TV Audience Measurement, nakapagtala ang Encantadia ng 26.1% rating sa Urban Luzon at tinalo ang katapat nitong palabas sa ABS-CBN na Ang Probinsyano.

Bukod pa rito, nag-trending nationwide at worldwide ang Encantadia, at nakatanggap ng magagandang komento mula sa netizens.

“Satisfying kaya yung effects. Level up talaga! Good job @gmanetwork for this wonderful show. Epic and orig.

#Encantadia,” ayon kay @tontonturon.

Sabi ni @itsmenazia, “GOOSEBUMPS!!! Walang taon na eksena. Parang ayaw ko pumikit baka may hindi ako Makita.

#Encantadia.”

Komento naman ni @tephendcm, “Grabe ang galing pang-world class ang #Encantadia.”

Napapanood ang telefantasya, mula sa direksiyon ni Mark Reyes, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng 24 Oras.

(LORENZO JOSE NICOLAS at HELEN WONG)