Bilang pagtupad sa pangako ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magiging simple ang pamumuhay ng mga opisyal ng gobyerno sa ilalim ng kanyang administrasyon, Filipino merienda buffet ang ihahain sa halos 800 bisita pagkatapos ng unang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo.
Batay sa listahan na ipinadala ng Office of Executive Director Edith Cardenas, chairperson ng Committee on Reception and Protocol, magsisimula ang merienda buffet dakong 5 p.m. sa Hulyo 25 sa Batasang Pambansa.
Nauna rito, ginawang “simple business attire” ang dress code para sa gaganaping SONA ni Pangulong Duterte, malayo sa tradisyunal na engrandeng red carpet fashion show ng mga miyembro ng Congress at ng kanilang mga asawa, upang mabaling ang atensiyon sa substantive governance mula sa grandiyosong kasuotan.
Kabilang sa menu ang:
Native chips: Salted duck egg dressing (on cocktail tables)
Monggo soup, smoked fish with alugbati (grissini bread)
Fresh lumpia ubod in pouch
Empanaditas (chicken and spicy tuna)
Sotong goreng
Crispy triangles of flaked chicken adobo and mushrooms/fried lumpiang ubod
Pandesal with kesong puti and beef steak
Penne with taba ng talangka sauce
Balut pate in profiteroles
Chicken skin crackling (PNA)