Ibinabalik ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang crash course nito sa pagsasalin ng wika.

Itinatag ng KWF ang una nitong Sertipikong Programa sa Pambansang Pagsasanay sa Pagsasalin (Batayang Antas) noong Oktubre 2015 para linangin ang pag-aaral ng kasaysayan, kahalagahan, uri, at hakbang sa pagsasalin.

Layunin nitong imulat ang mga Filipino sa paggamit ng wika, sa pagsusulat, at sa paglikha ng Translator’s Registry.

Ang mga interesado ay maaaring mag-email hanggang sa Lunes, Hulyo 25, ng curriculum vitae at dalawang halimbawa ng naisalin sa [email protected] upang mapadalhan ng pagsusulit tungkol sa Ortograpiyang Pambansa.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kay Grace Bengco ng Sangay ng Salin sa (02) 736-2525, local 107, o sa 0939-8538834. (Pierre Boco)