NGAYONG Sabado, magpapatuloy ang usaping pangkalusugan sa Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) ni Ricky Reyes, at bibigyang-pansin ang kahalagahan ng gulay para sa nutrisyon ng katawan.
Sa mga hindi nakakapansin, sa sariling tahanan mismo -- sa inyong hardin, matatagpuan ang ilang solusyon sa mga iniindang karamdaman. Mga prutas, gulay at herbs na magbibigay kalusugan, lakas at ganda sa ating mga katawan tulad ng bayabas, luya, papaya, malunggay, aloe vera at marami pang iba. Kaya masasabi natin na, “My backyard is my pharmacy”.
Magpapakita rin ng kakaibang luto at putahe sa mga wonder gulay na ito na siguradong swak sa panlasa at bulsa.
Sa mga nawawalan ng pag-asa sa kanilang karamdaman lalo na sa mga diabetic, may kasagutan na sa inyong pagtitiis. Ang Transdermal Magnesium (ProMag 300) na muling itatampok sa programa na maaaring makatulong sa inyong karamdaman.
Panoorin kung paano gamitin at mamangha sa power ng ‘forgotten mineral’ na ito.
Lahat ng iyan ay ibabahagi ni Mother Ricky sa GRR TNT ngayong Sabado 9-10 AM sa GMA News TV.