RAMDAM na ramdam sa hanay ng mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang tila pagkaasiwa sa “unorthodox” na pamamalakad ng tandem nina Pangulong Rodrigo R. Duterte at Chief PNP Director General Ronald “Bato” Dela Rosa. Habang tumatagal kasi sila sa puwesto ay nagiging magkatono na ang kumpas nilang dalawa lalo na sa kanilang pakikibaka sa ilegal na droga at kriminalidad sa buong bansa.

Sa palagay ko pa nga, hindi nga lang sa loob ng PNP naghahari ang ganitong pakiramdaman kundi maging sa iba pang sangay ng pamahalaan, lalo na yung mga ang trabaho ay may bahagi sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaligtasan ng mga mamamayan.

Isang nakakatuwang reaksyon sa ganitong mga ‘di inaasahang biglaang desisyon ni Pangulong Duterte at klasikong pagpapatupad naman ni CPNP Bato ay ang pagsasailalim ng pagbabantay ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa sa ating mga “battle-tested” na 320 miyembro ng PNP Special Action Force (SAF) nito lamang Miyerkules.

Sa kanilang ilang minutong paghaharap, mistulang mga asong-ulul na biglang nabahag ang buntot ng mga tinaguriang drug lord na ito na naghahari-harian umano sa loob ng NBP, nang personal nilang makaharap si CPNP Bato at diretsahang bantaan na ‘di magtatagal ang kanilang buhay kapag di tumigil sa mga ilegal nilang gawain kahit na nasa loob na silang kulungan.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Mga dalawa hanggang tatlong buwan lang ang itatagal ng mga SAF na ito at kapag hindi pa rin handang makabalik sa puwesto ang mga dating guwardiya, mga Marines naman ang papalit sa SAF.

Magre-retraining at re-education muna ang mga dating custodial guard ng NBP na pinaniniwalaang sobrang na-corrupt ng nakakulong na mga drug lord pero siya paring na-monitor na nagpapatakbo sa operasyon ng sindikato ng ilegal na droga sa bansa.

Ang halos 75 porsiyento umano ng ilegal na drogang pumapasok sa bansa na galing umano sa Mainland China ang pinapakalat ng sindikatong ito gamit ang mga makabagong gadget na naipuslit nila sa loob ng kanilang mga kulungan sa tulong ng mga corrupt na opisyal sa NBP.

Pero para hindi na talagang makapag-operate ang sindikato sa loob ng kanilang mga selda gamit ang kanilang mga gadget, sisiguruhin ng bagong pamunuan sa NBP na mai-install na agad ang mga cellular phone jammer sa buong compound ng NBP, bukod pa ito sa siguradong paghihigpit dahil sa mga “bantay-saradong” miyembro ng SAF.

Contact: Globe: 09369953459/Smart: 09195586950/Sun: 09330465012 o mag-email sa: [email protected]

(Dave M. Veridiano, E.E.)