NAGPAKITA ng kahandaan ang China para makipagtulungan sa gobyerno ng Pilipinas sa pagpuksa sa ilegal na droga.
Isa itong magandang simula sa usaping pangkapayapaan at magandang relasyon sa pagitan ng dalawang nabanggit na bansa.
Isang araw matapos ipahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang planong komprontahin ang China kaugnay sa problema sa droga at pagiging sangkot ng mga mamamayan nito, nag-isyu ang embahada ng China sa Maynila ng pahayag na nagsasabing ang anti-drug campaign ay isang “shared responsibility of all countries in the world.”
“China fully understands that the Philippine government under the leadership of H.E. President Rodrigo Duterte, has taken it as a top priority in cracking down drug-related crimes,” pahayag ni Lingxiao Li, tagapagsalita ng Chinese Embassy, sa isang statement.
“China has expressed explicitly to the new administration China’s willingness for effective cooperation in this regard, and would like to work out a specific plan of action with the Philippine side,” dagdag niya.
Okay, simulan na ang pag-uusap. Sa drugs muna, at pagkatapos nito ay sa Scarborough naman at iba pang bagay.
Una nang nagpahayag ng pagkadismaya si Pangulong Duterte sa umano’y pangkasangkot ng Chinese nationals sa paggawa at pagbenta ng ilegal na droga sa bansa.
Tatalakayin ko ang problema sa China “at the proper time,” aniya.
Bilang reaksiyon, sinabi ng China na, “The Chinese government has been firm and severe in drug control and in punishing all drug criminals in accordance with laws regardless of their nationalities.”
Ibig sabihin: Maaaring mo ring gawin ang nasabing hakbang.
Sinabi ng embahada na iprinomote din ng China ang “effective international cooperation with many countries…(as) illicit drugs are common enemy of the mankind. Fighting against all drug-related crimes is shared responsibility of all countries in the world.”
Magandang usapan. Maaari nating simulan dito, Mr. President at dating Pangulo at special envoy FVR.
Kasunod ng ruling ng UN tribunal sa South China Sea na pagpabor sa PH territorial claim, tinalakay ni Yasay at ng kanyang Chinese counterpart na si Wang Yi ang posibilidad ng bilateral talks sa sidelines ng Asia-Europe summit sa Mongolia noong nakaraang linggo.
“Let the dust settle some more and let’s see how we can open up the road for this kind of negotiation,” sambit ni Yasay. (Fred M. Lobo)