Kasunod ng pagbabago sa Bureau of Corrections (BuCor), inalis sa pwesto ang superintendent ng New Bilibid Prison (NBP), kasama ang 930 personnel ng bilangguan upang sumabak sa retraining.

Si Supt. Richard Schwarzkopf Jr., na nagsilbi sa posisyon mula pa noong December 2014 ay papalitan ni Supt. Roberto Rabo sa NBP na may 23,830 bilanggo.

Naging officer-in-charge si Rabo sa Rehabilitation and Programs Division ng BuCor at NBP superintendent hanggang December 2014.

Ang retraining ng NBP personnel ay magugunitang ipinag-utos ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Batanes

Samantala sinabi naman ni incoming BuCor Director General Alexander Balutan na ang retraining ng prison guards ay unti-unti. Unang isasalang sa reeducation ang 220 prison guards.

Ang NBP ay guguwardyahan na ng isang batalyong miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF).

Misyon ng mga ito na putulin ang galamay ng mga drug lords sa loob ng Bilibid, upang mawakasan na ang paglaganap ng ilegal na droga. (Jonathan Hicap)