Kailangan ng bansa ng reserbang bigas para magamit sa pagpasok ng La Niña upang matiyak na may makakain ang sambayanan.

Ito ang binigyang-diin ni Senator Francis Pangilinan sa kanyang panukalang “The Strategic Food Security Rice Reserve Act of 2016” na nagsusulong ng sapat na bigas sa buong taon.

“As preparation for the rainy season, we must ensure that there is enough supply that is easily accessible and affordable especially during the aftermath of calamities,” aniya.

Ayon sa senador, dapat na kontrolado ng pamahalaan ang supply sa pamamagitan ng National Food Authority (NFA) at ipapalabas lamang kapag nagdeklara na ang Pangulo ng state of calamity. (Leonel Abasola)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'