REGINE copy copy

ISA sa mga itinanong kay Regine Velasquez sa launching ng cookbook niyang Bongga Sa Kusina last Sunday sa Eastwood Mall ang paglipat ng kaibigan at kumare niyang si Jaya sa ABS-CBN.

Matagal nagkasama ang dalawa sa Sunday shows ng GMA-7 na SOP at Party Pilipinas at nitong huli sa rom-com series na Poor Señorita.

“She texted me about it. And I’m happy for her. That’s okay. You know, kumare ko ‘yun. Nakakatawa nga kasi she didn’t have to do it, na let me know, but she did it anyway because she has so much respect for me. I told her I’m so happy for you. Blessing ‘yan, mare,” sagot ni Regine.

Human-Interest

Traditional jeepney, mas maayos pa ring sakyan daw kaysa sa modern jeepney

Ang alam ni Regine, matagal nang kinukuha ng ABS-CBN si Jaya, pero tinapos nito ang Poor Señorita. At saka ang Cornerstone na ni Erickson Raymundo ang management company niya.

Isa sa mga rason ng paglipat ng singers ng GMA-7 sa ABS-CBN ang kawalan na ng musical show ng Kapuso Network. Wala na nga naman silang venue para kumanta. Pero magkakaroon na uli ng musical show ang istasyon at si Regine ang host.

“I’ll be having a musical-comedy show by September. After Poor Señorita, kakanta na uli ako. Aside from the show, I have this cookbook, may new album ako at may concert sa October. Part sila lahat sa 30th anniversary ko sa showbiz,” balita ni Regine.

Available ang Bongga Sa Kusina for P300 sa National Bookstores published ng Summit Media in partnership with GMA Network, Inc. Naglalaman ito ng recipes na niluto ni Regine at kanyang celebrity guests sa cooking show niyang Sarap Diva. (NITZ MIRALLES)