Inihain ni Bohol Rep. Arthur Yap ang House Bill 37 na magtatatag ng programa sa libreng patubig upang mapalaki ang kita ng mga magsasaka at maiangat ang kanilang kabuhayan.
Binanggit ni Yap na dapat nang baguhin ang Republic Act 3601 (An Act Creating the National Irrigation Administration, as amended by Presidential Decree 552, PD1702), at RA 8435 (Agricultural and Fisheries Modernization Law), na nagbibigay ng kapangyarihan sa National Irrigation Administration na mangolekta ng Irrigation Service Fees (ISF).)
Giit niya, bagamat maliit na halaga lamang ang ipinapataw sa ISF, malaking pasanin pa rin ito para sa mga magsasaka dahil nababawasan pa ang kakarampot na kinikita nila para sa kanilang pamilya. (Bert de Guzman)