MEXICO CITY -- Haharap ang Phoenix Suns sa Dallas Mavericks at San Antonio Spurs sa magkasunod na regular season game ng NBA Mexico sa Enero 12-14.

Ipinahayag ng NBA at Zignia Live nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) ang laro sa Mexico City Arena. Ito ang unang beses na dalawang laro sa regular-season ang gaganapin sa Mexico.

“We’ve been playing NBA games in Mexico for 25 years, and we’re thrilled that for the first time we are bringing two regular-season games to Mexico City, featuring three teams with an exciting mix of veteran talent and emerging stars,” pahayag ni NBA commissioner Adam Silver.

Dagdag pa rito, ipapakita ng NBA Global Games Mexico City 2017 ang iba’t ibang interactive fan events at ang selebrasyon ng NBA Cares community.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ipinagdiwang ng NBA ang ika-25 anibersaryo sa unang laro na ginawa sa Mexico, na susundan ng NBA Global Games sa Mexico City sa 2017 kung saan gaganapin ang 24 na laro sa Mexico – ang pinakamaraming laro ng liga na ginanap sa labas ng United States at Canada mula noong 1997.

“It’s an honor to make history alongside the NBA and call Mexico City a second home of the Suns this season,” sabi ni Phoenix Suns president Jason Rowley.

“We have an incredibly strong and supportive Hispanic fan base in Arizona, and these two games present a unique opportunity to strengthen our relationship with NBA fans in both Arizona and Mexico.”

(Isinalin ni Lorenzo Jose Nicolas)